Si Usman Ang Alipin (Buod)

Si Usman Ang Alipin (Buod)Sa isang malayong Sultanato, may isang lalaking alipin at mahirap na naninirahan. Siya ay si Usman. Kahit na hindi isang dugong bughaw si Usman, kapansin-pansin naman siya dahil sa angking kakisigan at kagandahang lalaki nito. Maliban dito, marami rin ang humahanga sa kagandahan ng ugali niya.

Pinamumunuan naman ang kaharian ng malupit at hindi na nga kaguwapuhang si Sultan Zacaria. Kung ano raw ang ikinasama ng ugali nito ay siya ring ikinasama ng mukha niya.

Hindi matanggap ng Sultan ang kaniyang hitsura. Upang maibsan ang suliranin, ang naging solusyon niya ay ipadakip at ipapatay lahat ng mga lalaking makahihigit sa kaniyang hitsura.

Nahuli si Usman ng mga tauhan ni Zacaria habang ito ay nasa palengke. Nang makarating sa palasyo, nakita ng anak ni Zacaria na si Potre Maasita na huwag nang paslangin si Usman. Ngunit buo na ang loob ng hari at maging ang anak ay ipinakulong din.

Sa mismong araw na gagawin ang pagkitil sa mga nahuli, isang malakas na lindol ang yumanig sa buong kaharian. Nawasak ang palasyo at nadaganan ng malaking bato ang Sultan.

Nagkamabutihan naman sina Potre at Usman at nagpakasal. Sila rin ang namuno sa kaharian at naging mabuti sila sa kanilang mga nasasakupan.

Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Si Usman Ang Alipin. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!