Mapayapang naninirahan sina Rama at Sita sa gubat. Pinarusahan kasi sila ng Haring Ayodha at ipinatapon sa gubat. Kasama ng mag-asawa si Lakshamanan.
Binalak ng kapatid ng hari na si Surpnaka na akitin si Rama at nagpanggap na ibang dilag. Nabuko nila ito. Ninais ni Lakshamanan na patayin si Surpnaka ngunit nasugatan niya lamang ang tainga at ilong nito.
Binago ni Surpnaka ang sumbong sa kaniyang demonyong kapatid na si Ravana upang balikan sina Rama at mapangasawa naman nito si Sita. Nanghingi sila ng tulong kay Maritsa na may kapangyarihang mag-ibang anyo.
Nag-alinlangan man, tumulong si Maritsa at naging isang ginintuang usa. Nakita ito nina Rama at Sita sa gubat, kasama si Lakshamanan. Hinabol ni Rama ang usa ayon sa nais ng asawa. Natagalan na pero wala pa si Rama kaya sumunod si Lakshamanan.
Dito nakahanap ng pagkakataon si Ravana, na nagpapanggap bilang matandang Brahmin, na harapin si Sita. Inalok niya ito ng limang libong alipin at gagawing kaniyang reyna. Tumanggi si Sita at nagalit si Ravana.
Tinangay niya si Sita at isinakay sa karuwaheng may pakpak. Pinigilan sila ng isang higanteng agila ngunit pinatay ito ni Ravana.
Nakita ng magkapatid ang agila at sinabi kung anong nangyari bago nalagutan ng hininga. Dahil sa lakas at kapangyarihan ni Rama, humingi sila ng tulong sa mga unggoy. Naging matindi ang labanan at natalo ni Rama si Ravana. Nagsama nang mapayapa ang mag-asawa.
Sana ay nagustuhan ninyo ang itong buod ng Rama At Sita. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!