Ulila na at nabubuhay na mag-isa ang batang si Adong. Upang makaraos sa araw-araw ay pinili ng pobreng bata na mamalimos na lamang sa harap ng simbahan ng Quiapo.
Araw hanggang gabi ang panghihingi tulong ng bata sa mga naglalabas-pasok na deboto ng sikat na simbahan.
Ngunit sa kaniyang murang isip ay alam na ni Adong ang bangis ng kaniyang paligid dahil sa binatang si Bruno na laging kinukuha nang sapilitan ang kaniyang mga nalilimos. Gusto ng sigang si Bruno na siya lamang ang makinabang sa mga pinaghirapan ni Adong.
Kinukuha ni Bruno ang perang naipon ni Adong at wala siyang nagagawa. Isang araw, batid na ni Adong na katulad ng mga nakaraang panahon ay kukuhanin na naman ni Bruno ang kaniyang perang pambili ng pagkain.
Ngunit naisipan niya noong gabi na iyon na magtago kay Bruno. Ngunit ang panahon ni Adong para tumakas sa mapang-aping si Bruno ay kakaunti na lamang. Sa di kalayuan ay natatanaw na ni Aling Ebeng, katabi ni Adong sa puwesto sa tapat ng simbahan, ang bruskong si Bruno.
Nagtago pa rin itong pilit ngunit nahabol at natagpuan ni Bruno. Dahil sa inis ni Bruno sa pagtakbo at pagtatagong ginawa ni Adong, pagkatapos makuha ang pera ay binugbog nila si Adong hanggang sa manghina.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Mabangis Na Lungsod. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!