Ano ang kolonyalismo?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

Ano ang kolonyalismo?

Sagot verified answer sagot

Ang kolonyalismo ay ang pananakop na tuwiran ng isang makapangyarihang bansa sa iba pang bansa. Ang layunin ng kolonyalismo ay upang makontrol at magamit ang mga likas na yaman ng nasakop na teritoryo o bansa.

Sa bansang Pilipinas, tatlong kolonya ang tinatayang sumakop dito. Ito ay ang mga bansang Espanya, America, at Japan kung saan ang bawat isa ay may kani-kaniyang layunin sa pananakop.

Ang Espanya ay naglayong makamkam ang kayamanang taglay ng Pilipinas tulad ng lupain, maikalat o maipalaganap ang kristiyanismo, at upang palawigin ang kanilang nasasakupan upang kilalaning pinaka-makapangyarihang bansa.

Ang America naman ay naghangad na alagaan ang bansa upang maabot nito ang panahon ng kanilang kalayaan. Samantala, ang Janap naman ay sakupin ang bansa na noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.