Katanungan
Ano po ang mga anyo ng globalisasyon?
Sagot
Globalisasyon ang tumutukoy sa konsepto kung saan nau-ugnay ang bawat bansa sa buong mundo sa pamamagitan ng pangangalakal, sistemang internasyunal, at iba pa. Mayroon itong iba’t-ibang anyo.
Kabilang na rito ang anyong polikital ng globalisasyon kung san naka-sentro ito sa politika.
Sa ilalim nito ay nagtitipon ang mga pandaigdigang pamahalaan upang maging maayos ang ugnayan ng bawat bansa.
Isa pa sa anyo ng globalisasyon ay ang ekonomikal na anyo nito kung saan nakatuon ito interaksyon ng mga bansa sa pamamagitan ng pangangalakal at merkado.
Ang ikatlong anyo ng globalisasyon naman ay ang sosyo-kultural na anyo kung saan nabibilang rito ang pag-aaral ng mga kultura ng bawat bansa.