Ano ano ang mga paniniwala o relihiyon ang ating kinagisnan?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ano ang mga paniniwala o relihiyon ang ating kinagisnan?

Sagot verified answer sagot

Bago pa man masakop ang Pilipinas ng mga bansang Espanya at Amerika ay may mga paniniwala, tradisyon, at kultura ng kinagisnan ang ating mga ninuno.

Noong sinaunang panahon ay sumasamba na sa iba’-t-ibang diyos ang mga Pilipino. Mayroon diyos ng araw, diyos ng tubig, diyos ng mga palay, diyos ng ulap, at kung anu-ano pa. Pinaniniwalaan din na ang diyos na nagngangalang Bathala ang pinakamakapangyarihan sa lahat.

Ngunit ang pagdating ng Espanya at Amerika ay nagbukas pinto sa mga relihiyon na hanggang ngayon ay parte pa rin ng buhay ng nakararami sa atin. Ito ay ang mga relihiyong Kristiyanismo at Protestantismo.