Bakit malaki ang naitulong ng paglalakbay sa pagsulong ng globalisasyon?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit malaki ang naitulong ng paglalakbay sa pagsulong ng globalisasyon?

Sagot verified answer sagot

Globalisasyon ang tawag sa proseso ng ugnayan, pagsasama, o pagtitipon ng mga bansa upang mangalakal, hindi lamang ng mga produkto at serbisyo ngunit maging na rin ng mga kultura, tradisyon, at iba pa.

Paglalakbay ang isa sa mga pangunahing paraan upang maging maunlad ang globalisasyon. Malaki ang naitutulong nitong paraan na ito bagamat mas napapadali ang nagiging palitan sa pagitan ng mga bansa dahil sa mga manlalakbay.

Ang mga tao sa bawat bansa ay nabibigyan ng oportunidad ng pumunta sa ibang bansa, sa pamamagitan ng paglalakbay, upang maibahagi ang kanilang mga ideya, produkto, serbisyo, kultura, at iba pa. Sila rin ay natututo sa paglalakbay at maaari nilang dalhin pabalik sa kanilang bansa ang kanilang mga natutunan.