Si Emparador Indarapatra ay isang matalino, magiting, at mabuting emperador ng Kahariang Mantapuli. Mayroon siyang kakaibang sandata—isang sibat na kapag inihagis sa kaniyang mga kaaway ay babalik sa kaniya. Kinakaya niya ang mga salot na gumagambala sa aknila kabilang ang isang dambuhalang halimaw.
Gayunman, mayroong apat na salot na gumagambala noon sa Mantapuli. Hindi ito kakayanin ni Indaraptra kaya naman nanghingi siya ng tulong sa isang bayani.
Layunin nitong matalo ang apat na salot na kinabibilangan nina Kurita, maraming paa at kayang kumain ng limang tao sa isang buka ng bibig; Pha, isang ibong may malaking pakpak na kayang padilimin ang isang lugar; Tarabusaw, anyong tao na kayang kumain din ng tao; at si Kurayan na isang ibong mayroong pitong ulo.
Kumasa si Sulayman sa misyon. Naglagay siya ng mahiwagang bulaklak sa bintana. Sa oras na malanta ito at hindi pa nakababalik si Sulayman, ibig sabihin ay namatay na ito.
Napuksa ni Sulayman ang lahat ng halimaw, ngunit nadaganan siya ng malaking pakpak ng isang halimaw na ikinamatay niya. Nalanta ang bulaklak.
Nagtungo si Indaraptra sa kinaroroonan ni Sulayman. Sa pamamagitan ng panalangin kay Bathala ay muling nabuhay si Sulayman. Ikinasal siya sa isang magandang dilag na kaniyang nailigtas.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Indarapatra at Sulayman. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!