Kabanata 33: Malayang Kaisipan (Buod)

« Kabanata 32Kabanata 34 »

Sa kabanatang ito, unti-unting tinatanggalan ng maskara ni Rizal ang mga taong mayroong masamang hangarin kay Ibarra. Pinapakita niya ang kanilang mga patago at masamang mga hangarin.

Maagang inihanda ang kabriya para sa espesyal na seremonya na gaganapin sa bayan. Kasabay dumating ng bandang musiko ang alkalde, mga ibang pinuno ng bayan, at mga prayle maliban kay Padre Damaso.

Sa okasyong ito pinasinayanan ang lugar kung saan ipapatayo ang bagong paaralan. Kasama si Ibarra sa mga panauhin dahil isa siya sa mga nagpadaulo ng nasabing proyekto.

Pagkatapos mabasbasan at maihulog ang panulukang bato ay isa-isang naglagay ng kusarang halo ang mga panauhin. Inumpisahan ito ng alkalde hanggang makarating ang turno ni Ibarra.

Bago bumaba sa hukay si Ibarra upang ilagay ang bato ay biglang nakalas ang mga kawayan ng kabriya at dumagundong ang lupa sa hukay. Nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Ibarra. Dito sumagi sa isip ni Ibarra ang babala na ibinigay ni Elias sa kanya.

Take the official Career Quiz to find out what kind of job is best suited for you!
It's super accurate and free.
» To take the quiz, go here «

Aral – Kabanata 33

Walang mawawala kung bibigyan ng halaga ang isang babala, maging kilala mo o hindi ang tao na nagsabi nito. Laging mag-iingat at maging mapagmatiyag.

Talasalitaan – Kabanata 33

« Kabanata 32: Ang PanghugosKabanata 34: Ang Pananghalian »