« Kabanata 4Kabanata 6 »
Gabi na nang makarating si Basilio sa kanilang bayan. Nasabay pa siya sa prusisyong pang-Noche Buena. Naabala pa sila dahil binubugbog ang isang kutserong si Sinong na nalimutan ang kaniyang sedula.
Matapos ay napag-usapan nila ang rebulto ni Metusalem, ang pinakamatandang taong namalagi sa daigdig. Idinaan naman ang rebulto ng tatlong Haring Mago na nakapagpaalala kay Sinng kay Haring Melchor.
Itinanong naman ng kutsero kay Basilio kung nakaligtas na ang kanang paa ng bayaning si Bernardo Carpio na naipit umano sa bundok sa San Mateo. Pinaniniwalaan kasing hari ng mga Pilipino si Carpio na makapagpapalaya sa kanila.
Nahuli muli si Sinong dahil namatay ang ilaw ng kaniyang kalesa. Dinala na siya sa presinto at si Basilio ay naglakad na lamang.
Sa paglalakad niya ay napansin niyang wala man lang parol at tahimik ang bayan kahit Pasko na. Dumalaw si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago at naisalaysay ang pangyayari kay Kabesang Tales at Juli.
Aral – Kabanata 5
Malaki ang pag-asa sa ilang nilalang kahit tila puro pasakit na ang kanilang nararanasan. Likas sa mga Pilipino na maniwalang darating din ang liwanag sa kabila ng tinatahak nilang malubak at madilim na landas.