Pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahong pre-kolonyal?

Katanungan

pamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre-kolonyal?

Sagot verified answer sagot

Ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa Panahong Pre-kolonyal ay ang mga sumusunod:

Sa panahon ng Paleolitiko, ang mga tao ay nakatira sa yungib.

Ang mga kasangkapan nila ay yari sa mga batong matutulis na kapaki-pakinabang sa pangangaso o pangangalap nila ng mga makakain.

Sa Panahon ng Neolitiko, ang mga tao ay mas umunlad ang uri ng pamumuhay nila sa pamamagitan ng pagkikinis at paghahasa sa mga batong kasangkapan, natutong manirahan sa mga tabing dagato ilog, at nagkaroon sila ng kamalayan sa pagsasaka at paghahayupan.

Gayundin, ang pagkakatuto na gumawa ng mga banga at palayok. Sa Panahon ng Metal, naging mas maayos at kapaki-pakinabang ang kanilang mga kasangkapan dahil niyari na ito sa tanso at bronse.