Sino ang bumuo ng Abakada?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

sino ang bumuo ng abakada?

Sagot verified answer sagot

Si Lope K. Santos ang bumuo ng ABAKADA.

Ang ABAKADA o Abakadang Pilipino ay mga dalawampung (20) titik na mayroong limang patinig at labinlimang katinig.

Ito ay binuo ng isang kilalang iskolar na walang iba kundi si Lope K. Santos sa paglalayong mabigyang tunog gamit ang wikang tagalog ang mga titik.

Subalit sa paglipas ng mga panahon ang dalawampung titik na bahagi ng abakada ay nadagdagan ng labing-isang titik ayon na rin sa nailathala ng Kagawaran ng Pagtuturo, Kultura at Isports.

Dahil sa pagkakadagdag ng mga titik na c, ch, f, j, II, ñ, q, rr, v, x, at z mula sa katawagang abakada ito ay napalitan ng Pinagyamang Alpabeto.

Samantala, ang kasalukuyang Alpabetong Filipino ang ginagamit sa edukasyon na mula naman sa pinaghalong lumang abakada na may dalawampung titik at walong titik na galing naman sa mga kastila. Ang paggamit nito ay pinagtibay noong 1987 sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Corazon “Cory” Aquino.