Labanan Ang ‘Corona’
Madalas na sambit noon, iyo na ang korona,
isang bagay na ibinibigay sa mga tunay na reyna.
Ngunit ang mundo isang ‘corona’ ang problema,
buong daigdig ay apketado na nitong epidemya.
Isang virus ang nagmula raw sa bansang Tsina,
isang uri ng trangkaso na may hirap sa paghinga.
lubhang tinatamaan ang maysakit na at matatanda,
tinitira ng corona ang puso kasama na rin ang baga.
Hanggang ngayon ay wala pa ring nahahanap na lunas,
ngunit malaking bahagi naman ng nagkasakit ay gumaling.
Ugaliin daw na maging malinis at laging maghugas,
magtakip ng bibig kapag magsasalita o babahing.
Hiling ng mundo ay ang sakit na ito ay malagpasan na,
na ang daigdig ay maluwag nang muling makahinga.
Idalangin sa Maykapal na maging ligats ang bawat isa,
nawa ay tuluyan nang maiwaksi ang pahamak na ‘corona.’
Kahulugan at Paliwanag
Ang tula ay tungkol sa pandemikong novel coronavirus o mas kilalang COVID-19. Apektado na nito ang buong mundo at marami na rin ang nasasawi.
Bagaman mas marami naman ang gumagaling mula sa karamdaman, hiling ng marami na makatuklas na ang mga eksperto ng lunas dito.