Ibong Makulay, Ibong Mahiwaga
Sa panitikang Pilipino, bumibida ang isang ibon,
sa tatag ng tatlong prinsipe ay talagang humamon.
Tinig daw nito ay nakagagaling ng anumang sakit,
kaya labanan ng magkakapatid ay napakahigpit.
Mula sa Berbanya, magkakapatid ay nagpunta sa gubat,
hahanapin nila ang mahiwagang ibon sa alamat.
Ngunit iisa lamang sa kanila ang tunay na pinalad,
iyong kabutihan para sa ama lamang ang tanging hangad.
Si Don Juan ang nakahuli sa ibong napakahiwaga,
dahil sa bilin at kagamitang ibinigay ng isang matanda.
Tinulungan kasi niya ito at sa kabutihang ipinakita,
hindi naging bato sa tinig ng ibon na nakahahalina.
Tunay ngang mabisa ang ibong kumakanta,
ang haring nakaratay ngayon ay magaling na.
Salamat sa totoong magiting na tagapagmana,
sa prinsipeng tunay na nakahuli sa Ibong Adarna.
Kahulugan at Paliwanag
Kabahagi ng panitikang Pilipino ang Ibong Adarna. Ang tula ay sumasalamin sa ilang mahalagang pangyayari sa nasabing maalamat na kuwento. Mailap ang mahiwagang ibon na napagtagumpayang hulihin ni Don Juan.