Himig ng Damdamin
Musika ay tunay namang mahalaga sa mundo,
sa bawat damdamin, siguradong may angkop na tono.
Anuman ang iyong mga pinagdaraanan,
maaari mo iyang idaan sa kantang pangmalakasan.
Ang musika ay himig ng saloobin mo,
ang iyong mga emosyon, sa himig ay ibulalas mo.
Kasama ng mga letrang pahayag ng iyong damdamin,
ang tinig ng iyong puso ay kay sarap kantahin.
Awitin ay parang buhay nating mga tao,
iba-iba ang tono, iba-iba rin ang nais ipahiwatig nito.
Ngunit anuman ang iyong nasasa loob,
may awiting diyan ay ipinagkaloob.
Ilabas ang himig ng iyong damdamin,
ang sakit, saya, at inspirasyon ay idaan sa awitin.
Iparinig sa mundo ang talas ng iyong isip at tinig,
pasabayin sa iyong awit ang buong daigdig.
Kahulugan at Paliwanag
Ang tula ay tungkol sa kahalagahan ng musika, hindi lamang bilang sining, kung hindi para na rin lunsaran ng damdamin. Tulad ng anumang sining o panulat, ang musika ay maaaring maging ekspresiyon ng sinuman.
Sa pamamagitan ng titik at tono ng kanta, maaaring maipahayag sa kapuwa ang iyong emosyon na maaari din silang makaugnay sa kung anong ipinahahayag mo.