Ang Aking Alaga
Sa pagsikat nitong umaga
Ikaw ang sasalubong, unang makikita
Kahol mo ang unang maririnig
Tila panggising ang iyong tinig
Sa bawat araw ikaw ang kasama
Aking kalaro sa tuwina
Takbo rito, takbo roon
Habol dito, habol doon
Araw-araw nating gawi
Na di kalian man mababago, mapapawi
Pagkat mahal kong alaga
Ikaw ay tunay na mahalaga.
Sa pagsapit nitong gabi
Balahibo ang siyang isinasagi
Tila nanghihingi ng haplos
Upang makatulog sa aking yapos
Salamat sa masayang mga araw
Sa patuloy at tapat na pagbabantay
Ikaw ang nasisilbing aming tanglaw
Seguridad sa buhay, oh! Aming bantay
Ika’y mahal naming tunay.
Kahulugan at Paliwanag
Minsan, ang aso ay higit pa sa tao sa pagiging matapat. Ang aso ay palaging andyan para samahan tayo. Atensyon lang at pagmamahal nila at tiyak na meron ka ng kasangga sa buhay. Malambing ang aso kaya naman nakakapag bigay ito ng saya sa isang tahanan. Ngunit kapag kailangan, kaya din ng aso maging matapang, lalo na kapag naramdaman nitong inaapi o nasa panganib ang kanilang amo.