Tula Tungkol Sa Pandemya

Kalabang Hindi Nakikitahalimbawa ng mga tula panitikan.com.ph tagalog kahulugan ipaliwanag

Mayroong kalabang hindi nakikita,
isang kalabang bumago sa ating mundo.
Kalabang maraming buhay na ang kinuha,
patuloy na pinupuksa ng mga mediko.

Mayroong kalabang hindi nakikita,
tinatawag nga nila itong virus na corona.
Ang normal na buhay ng marami ay binago,
malamang kulong ka rin sa tahanan mo.


Mayroong kalabang hindi nakikita,
tinagurian pa nga nila itong pandemya.
Bawal muna ang pumunta sa ibang lugar,
sa mga planong nagawa natin ay pang-asar.

Mayroong kalabang hindi nakikita,
mukhang ang sandata ay hindi rin kita ng mata.
Ang panalangin natin dapat ay sama-sama,
na sana ang sakit na ito ay matapos na.

Kahulugan at Paliwanag

Tula Tungkol Sa PandemyaAng coronavirus ay isang pandemya na kinahaharap ng mundo. Sinasabi sa tula kung paanong ang isang kalabang hindi nakikita ay binago ang ating mundo.

Nagkaroon ng bagong normal na tila pahirap sa marami. Ngunit ang lahat ng ito ay malalagpasan kung gagamitin din natin ang isang sandatang di nakikita, ang pagdarasal.


Ang mga tula po na ito na pinamagatang Tula Tungkol Sa Pandemya ay original na gawa ng Panitikan.com.ph. Sana po ay nagustuhan ninyo at may napulot kayong aral sa post na ito. Kung gusto ninyo pang magbasa sa naturang topic na ito, check lang po ninyo ang mga nakalista sa baba. Maraming salamat sa pagtangkilik! :)