Katanungan
Ano ang unang pamayanang Espanyol na itinatag sa bansa po?
Sagot
Cebu ang kauna-unahang pamayang Espanyol na naitatag sa ating bansang Pilipinas.
Ayon sa mga historyador, ito kasi ang naging pangunahing daungan ng mga Espanyol noong sila ay naglalakabay at nakarating sa bansa.
Bago rin maging Cebu ang ngalan ng pamayanan, ito ay tinawag muna bilang “San Miguel” hango kay Miguel Lopez de Legazpi na siyang nagtatag sa pamayanang ito.
Dahil Cebu ang kauna-unahang pamayanang Espanyol, naging daan na ito ng Espanya upang tuluyang masakop ang kabuuan ng Pilipinas.
Sinimulan na dito sa Cebu ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, pagsasaayos ng pamahalaang Kastila, at pagpapakalat ng mga kultura at tradisyon ng ma Espanyol.