Alagad ni Bathala ang pitong kulay na sina Pula, Dilaw, Kahel, Luntian, Bughaw, Indigo, Lila, at Kahel. Inatasan sila ni Bathala na magbigay ng kulay sa mundo. Noong una ay maayos ang trabaho ng pitong kulay.
Gayunman, nang maglaon ay hindi na sila nagkasundo-sundo sa maraming bagay. Madalas din silang makipagkompitensya sa isa’t isa. Ayaw magpalamang at nagpaparamihan ng kanilang natatapos na trabaho.
Halos araw-araw na ganito ang tagpo kaya naman nakarating na rin sa Bathala ang nagaganap. Dahil dito ay lubos siyang nagalit sa inasal ng pitong kulay. Ipinatikim ng Bathala ang pagkapoot na kaniyang nararamdaman sa mga kulay.
Nagwika ang Bathala, “Dahil sa hindi kayo magkasundo at lagi kayong nagtatalo, parurusahan ko kayo! Simula ngayon ay hindi na kayo magkakahiwa-hiwalay. Lagi na kayong magkakasama at magiging isa na lamang.”
Natupad ang sinabi ng Bathala. Agad na nagkadikit-dikit ang pitong kulay. Dahil din sa sama ng loob ng Bathala ay naiiyak ito sa sinapit ng kaniyang mga alagad.
Kaya naman ang pitong kulay na magkakadikit ngayon ay lumalabas lamang matapos umiyak ng Bathala dahil nahihiya sila sa naganap.
Dito rin umano nanggaling ang tawag sa makulay na pagsasama-sama ng pitong kulay na “bahaghari.” Mula raw kasi ito sa pagkahabag ng hari.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Alamat Ng Bahaghari. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!