Inumpisahan ni Jose Rizal ang pakikipaglaban sa mga dayuhang Espanyol na noon ay sumakop sa Pilipinas sa pamamagitan ng kaniyang panulat.
Ginamit niya ang kaniyang talino at pagkamalikhain upang makasulat ng isang nobelang magpapakita ng baluktot na paghahari ng mga Espanyol sa bansa—ang Noli Me Tangere.
Batid ni Rizal na ang direktang pagtira sa simbahan at mga Kastila ay hindi magiging mabisa at magdudulot lamang ng takot para sa ibang Pilipino.
Kaya naman ay iminulat niya ang mga mata ng kapuwa Pilipino sa pamamagitan ng kaniyang panulat.
Ginawa niya ang kanyang nobelang Noli Me Tangere bilang salamin ng lipunan noong panahong iyon.
Bawat tauhan at pangyayari ay mayroong simbolismo na kumakatawan sa mapang-aping gawi ng mga dayuhan lalo na ang mga prayle mula sa simbahan.
Isinulat ni Rizal ang nobela sa wikang Kastila upang lubusang maunawaan ng mga Kastila ang mensahe nito.
Isinulat niya ito habang nasa Berlin siya at nakakuha ng suporta mula sa isang kaibigan upang maisagawa ang paglilimbag ng aklat.
Nang mailimbag ito ay ipinamahagi sa Pilipinas hanggang makarating sa mga Espanyol. Dahil sa mahusay at malinaw na pagkakasulat ni Rizal sa nobela, agad na nabatid ng mga dayuhan ang mensahe nito na naging mitsa naman upang mapag-initan siya ng mga mananakop.
More On Rizal
- Jose Rizal: 20 Facts And Trivia
- Mga Babaeng Inibig Ni Jose Rizal
- Ano Ang Batas Rizal
- Talambuhay Ni Jose Rizal