Sa kalagitnaan ng 1944, kung saan humihina na ang hukbo ng mga Hapones sa digmaan, napagpasiyahan nilang atakihin ang Sampitan at tinangkang agawin din ang Infanta mula sa mga gerilyang Pilipino. Nagkaroon ng digmaan at halos mapulbos ang mga Pilipino gerilya.
May ilan-ilan namang nakaligtas mula sa madugong digmaan at salakayan. Isa sa mga ito ay si Mando. Nilakbay niya ang kagubatan upang makaligtas nang tuluyan sa mga sundalong Hapon. Sa gubat ay nakita niya rin ang dalawa pang gerilyang nakaligtas, sina Martin at Karyo.
Ang tatlo ay nagpasiyang magtungo sa bahay ni Tata Matyas na isang gerilya rin noong kaniyang kabataan. Pinatuloy sila nito sa kaniyang tahanan. Habang naghahapunan sina Martin at Karyo, nag-uusap naman sina Tata Matyas at Mando tungkol sa nobela ni Jose Rizal na El Filibusterismo at Noli Me Tangere.
Ayon kay Tata Matyas, totoo ang mga kayamanang iniwan ni Rizal. Dahil dito ay nakumbinsi rin ang tatlo na totoo nga ito. Hinanap nilang tatlo kung nasaan ang iniwang kayaman ni Simoun na mula sa mga nobela ni Rizal.
Nakita nila ang kayamanan sa karagatan ng Atimonan. Gayunman, nasawi naman si Karyo dahil sa pating na sumalakay sa kanila. Si Martin naman ay pinaslang ni Mando dahil sa kasakiman nito at nais masolo ang kayamanan.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Mga Ibong Mandaragit. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!