Sanaysay Tungkol Kay Jose Rizal

Lingid sa kaalaman ng marami na hindi opisyal na pambansang bayani si Jose Rizal. Sampu lamang ang opisyal na pambansang sagisag at hindi kasama rito si Rizal bilang pambansang bayani.

Gayunman, kahit na hindi saklaw ng batas ang pagiging opisyal ng titulong dinadala ni Rizal, para sa marami, siya pa rin ay larawan ng isang tunay na bayaning dapat tularan ng marami. Nakahahanga ang mga nagawa ni Rizal para iangat ang sarili at ang lahing Pilipino.

Pinatunayan ni Rizal na kayang maghimagsik ng mga Pilipino kahit hindi pinadadanak ang dugo. Sa pamamagitan ng talim ng kaniyang utak at mga salita, naipakita niyang may mas matalas pa kaysa sa punyal.

Si Rizal din ang nagmulat sa mata ng mga kabataan hanggang sa kasalukuyan na hindi kayang lamangan ng sinuman ang isang taong inihanda ang sarili sa hamon ng buhay. Inihanda ang sarili sa pamamagitan ng pagbuhos ng panahon at oras sa pagpapakadalubhasa.

Ang mga likha ni Rizal ay patuloy na dinadakila hanggang sa kasalukuyan. Kabahagi ito ng landasin ng bawat mag-aaral dahil magsisilbi itong inspirasyon upang pagbutihin ang kanilang edukasyon.

Inaaral ang buhay niya upang magsilbing huwaran sa bawat isa na anumang pagsubok ang haharapin ay mapagtatagumpayan basta mayroong disiplina sa sarili at seseryosohin ang pag-aaral.


Maraming salamat sa pag-basa ng aming isinulat na Sanaysay Tungkol Kay Jose Rizal. Iparinig mo sa lahat ang iyong boses, ang iyong mga ideya – ipaalam mo sakanila na Pilipino ka! :)