Ano Ang Sanaysay

Sanaysay ang tawag sa isang sulatin na naglalayong magpahayag, magpaliwanag, at magsalaysay ng mga pananaw o kaalaman. Ang isang sanaysay ay naiiba sa ibang uri ng sulatin dahil nakatuon ito sa iisang paksa at diwa lamang.

Ang kabuuan ng sulatin, gaano man kahaba, ay iisa lamang ang paksa nito. Tinatawag itong ‘essay’ sa English na mayroon ding sistematikong paraan ng pagpapahayag ng mga pananaw o kalaaman. Karaniwang mayroon itong simula, katawan, at wakas na nagiging dahilan upang maging mabisa ang pagpapahayag ng damdamin ng sumusulat.

Nahahati sa dalawang uri ang mga sanaysay—ang pormal at di pormal. Ang isang pormal na sulatin o sanaysay ay gumagamit ng mga salitang matatalino pakinggan, katulad ng mga matatalinhagang salita at tayutay.

Sinusunod rin nito ang wastong anyo o ayos ng pagkakasulat ng sanaysay na mayroong simula, katawan, at wakas. Marami ring kaalaman ang mapupulot dito dahil nilalahukan ito ng mga mahahalaga at berepikadong impormasyon.

Ang di pormal na sanaysay naman ay mas maraming opinyon o kuro-kuro kaysa sa mga siguradong kaalaman. Tinataglay din nito ang mga sulating nakaayon lamang sa obserbasyon patungkol sa isyu.

Maaari ding gumamit ng mga balbal na salita sa pagpapahayag ng damdamin sa sanaysay. Nakatuon din ang di pormal na sanaysay sa karanasan ng may-akda sa iba’t ibang pangyayari.

NEXT: Dalawang Uri Ng Sanaysay »

Maraming salamat sa pag-basa ng aming isinulat na Ano Ang Sanaysay. Iparinig mo sa lahat ang iyong boses, ang iyong mga ideya – ipaalam mo sakanila na Pilipino ka! :)