Sanaysay Tungkol Sa Pamilya

Ayon sa isang sikat na kantang pananampalataya, walang sinuman daw ang nabubuhay para sa sarili lamang.

Nais lamang nitong ipakahulugan na anuman ang pagdaanan natin, anuman ang harapin natin ay nananatiling mayroong pamilya na handang umalalay at gumabay sa atin.

Pamilya ang kasama natin sa unang segundo pa lamang natin sa mundo. Hindi tayo mabubuhay sa mundong ito kung hindi tayo isinilang ng ating ina. Hindi rin tayo mabubuo kung wala ang ama.

Ang mga magulang ang pamilyang nagbibigay sa atin nang hindi matatawarang pagmamahal at pagkalinga. Maraming pagkakataon na mas iisipin pa ng mga ito ang ating kapakanan kaysa sa kanila.

Bahagi rin ng pamilya ang mga kapatid, tiyo, tiya, lolo, at lola na nagbibigay din nang walang sawang pagkalinga para sa atin.

Maliban sa pagmamahal ng mga magulang, sila ay handa ring samahan tayo sa iba’t ibang pagsubok, makipagdiwang sa oras ng tagumpay, at maging kaagapay sa mga misyon natin sa buhay.

Hindi man pare-pareho ang kapalaran ng lahat, mayroon mang lumaking walang magulang, kapatid, o mga lolo at lola, ngunit nagpapatuloy naman ang pagmamahal mula sa iba pang kadugo.

Namumukod tangi ang ugnayan na pinagbuklod ng magkatulad na dugong nananalaytay sa kanilang ugat.

Ang pamilya ay isang relasyon na hindi mo na mahahanap sa iba. Nag-iisa lang ang mga taong kaugnay ng iyong pagkatao na kahit siyensya ay magpapatunay.


Maraming salamat sa pag-basa ng aming isinulat na Sanaysay Tungkol Sa Pamilya. Iparinig mo sa lahat ang iyong boses, ang iyong mga ideya – ipaalam mo sakanila na Pilipino ka! :)