Tapat ako sa Aking Bansa
Tapat ako sa aking bansa.
Minamahal ko at aking dinadakila.
Mas matimbang ito sa anumang bansa,
niyayakap ko ang kanyang angking ganda.
Tapat ako sa aking bansa.
Nagpapakita ako lagi ng displina.
Sa kaayusan ang bansa ay uunlad,
gagamitin ko ang aking mga abilidad.
Tapat ako sa aking bansa,
ito ang aking sigaw saan man magpunta.
Mahal ko ang aking wika at hindi ang banyaga,
iginagalang ko ang tradisyon at kultura.
Tapat ako sa aking bansa,
ito kasi ang tungkulin ng madla.
Pagmamahal sa bayan ating kailangan,
nang makamit ang asam na kaunlaran.
Kahulugan at Paliwanag
Ang tula ay tungkol sa nasyonalismo. Isang malalim na konteksto tungkol sa pagmamahal sa bansa. Kung tunay na mahal ng isang mamamayan ang kanyang bansa, dapat ay mauna ang disiplina at pagyakap sa kultura, wika, at tradisyon nito.