Tula Tungkol Sa Pag-ibig

Mukha ng Pusohalimbawa ng mga tula panitikan.com.ph tagalog kahulugan ipaliwanag

Para sa puso ng mga magkasintahan,
nawa ay mahanap n’yo ang daan sa magpakailanman.
Mamayani sana lagi ang pag-iibigan,
Pagtibayin sana ng Diyos ang inyong pagmamahalan.

Para sa puso ng mga mag-asawa,
na ang pag-ibig sa pamilya ay walang sawa.
Dugo’t pawis ang laging inaalay,
pinakikita ang pagmamahal na tunay.


Para sa puso ng mga bigo at umaasa,
sa pag-ibig na ikaw na lang ay may dama.
Isang pagsaludo sa iyong pagkapit,
ipinababatid ang pag-ibig na walang kapalit.

Para sa puso na pag-ibig ay hinahanap,
balang araw ay matutupad rin ang pangarap.
Pag-ibig sa tamang tao ay matatanggap,
pagmamahal ang kapalit ng lahat ng paghihirap.

Kahulugan at Paliwanag

Ang tula ay tungkol sa iba’t ibang mukha ng pag-ibig. Mayroong mga pag-ibig na matagumpay. Mayroong matamis na suyuan habang ang iba naman ay bigo at nahihirapang maghanap.

Gayunman, bawat uri ng pag-ibig ay dapat hangaan. Dapat ay walang kapalit ang tunay na pagmamahal na ibibigay upang walang kapantay ang kaligayahan.


Ang mga tula po na ito na pinamagatang Tula Tungkol Sa Pag-ibig ay original na gawa ng Panitikan.com.ph. Sana po ay nagustuhan ninyo at may napulot kayong aral sa post na ito. Kung gusto ninyo pang magbasa sa naturang topic na ito, check lang po ninyo ang mga nakalista sa baba. Maraming salamat sa pagtangkilik! :)