Itinayo ng Kasaysayan
Bahagi ng kasaysayan mga piramido,
mga gusaling laganap sa bansang Ehipto.
Paggawa sa mga ito raw ay naging madugo,
tuloy-tuloy ang paggawa at walang hinto.
Bahagi ng kasaysayan Tore ni Babel,
sa ating wika raw ay mahalaga ang naging papel.
Parusa ng Diyos sa mga gustong sa langit ay umakyat,
upang di magkaunawaan, iba-ibang wika’y ibinigay sa lahat.
Bahagi ng kasaysayan mga ziggurat,
sa mga patron o diyos daw ay nararapat.
Kinamamanghaan sa husay ng pagkakagawa,
animo’y piramidong may iba’t ibang baitang na makikita.
Bahagi ng kasaysayan ang mga gusaling ito,
sa tala ng nakaraan ng mundo ay bumuo.
Kung paano ito ginawa ay puno ng mga istorya,
ngayon ay umaakit na ng maraming mga turista.
Kahulugan at Paliwanag
Ang tula ay tungkol sa mga gusali ng sinaunang panahon. Ang ilan sa mga nabanggit sa tula ay mga sinaunang gusali na may malaking ambag sa kasaysayan ng mundo.
Ang mga piramido ay makailang ulit na nabanggit sa Bibliya habang ang mga Ziggurat naman ay malaking bahagi rin ng kasaysayan ng mundo. Ang Tore ni Babel ay mula rin sa Bibliya ngunit mas nakilala ito dahil sa pagiging isa sa teorya ng pinagmulan ng wika.