Maningning Miclat

Talambuhay

Si Maningning Miclat ay isang Pilipino na makata at manunulat na isinilang sa China ng kanyang Pilipinong magulang. Siya ay naging kilala dahil sa kanyang mga mahusay na pagka-pinta na mga larawan at mga tula tungkol sa mga Chinese bamboo Zen. Dahil sa kanyang pagtira sa China, naging multilingual siya at marunong magsalita sa mga wikang Mandarin, Ingles, at Tagalog.

Ang Talambuhay ni Maningning Miclat

Si Miclat ay isinilang sa Beijing, China. Siya ay pinalaki ng kanyang mga Pilipinong magulang na kalaunan ay nanirahan na rin doon. May isang kapatid na babae si Miclat na kalaunan rin ay naging opera singer sa New York City. Nilisan ng pamilya ni Miclat ang Pilipinas noong 1969 sa panahon ng pamamahala ni Ferdinand Marcos at lumipat sa China noong 1971. Noong 1986, bumalik ang pamilya niya sa Pilipinas pagkatapos ng People Power Revolution at nung napaalis si Marcos sa pagiging pangulo. Sa kanilang paglipat sa China ay natututunan ni Miclat ang Chinese Mandarin at dumagdag sa mga wikang alam niya na Ingles at Tagalog.

Mga Nakamit ni Maningning Miclat sa Pagiging Manunulat

Nang makabalik si Miclat dito sa Pilipinas pagkatapos ng People Power Revolution, nagturo siya ng sining sa Far Eastern University. Naging published na awtor, multilingual poet, award-winning artist, at tagapagsalin si Miclat habang siya ay nagtuturo. Ang kanyang unang nai-publish na exhibit ay nagawa niya noong 15 anyos pa lang siya. Tumampok sa kanyang exhibit ang mga tradisyunal na Chinese na larawan na kanyang ipininta. Ito ay dinisplay sa Cultural Center of the Philippines noong 1987. Sa parehong taon ay inilunsad niya ang kanyang unang libro na tula na nasa wikang Chinese na “Wo De Shi” o My Poems sa wikang Ingles.

Bukod sa kanyang pagmamahal at naging kontribusyon sa larangan ng sining, siya ay namatay noong 2000 sa edad na 28 anyos. Siya ay tumalon sa Education Hall ng FEU Manila na kung saan siya ay nagtuturo noong panahon na yun. Sa taong 2001, naitatag ang samahan na Maningning Foundation bilang paalala sa talento at husay ni Miclat sa larangan ng sining.

Popular Posts