Makasaysayan ang nakaraan ng mga Pilipino. Literal na dugo at pawis ang ipinundar ng ating mga ninuno upang magkaroon tayo ng kalayaan ngayon. May mga tao na nagpapatunay na mas tumatagos ang lapis kesa bala. Sila ang nagmistulang tulay upang hindi mawala at makalimutan ang kultura na dumadaloy sa ating ugat. Alamin natin kung sino ang iilan sakanila:
Ang pagbabasa ng aklat ay isa sa pinakamagandang gawin at libangan sa buhay. Bukod sa marami kang matutunan ay nakakatulong ito sa pagpapatalas ng memorya lalo na sa mga nagkaka-edad na.
Sa pagpili ng mga author o may-akda lalo na sa mga babasahin na mayroong kinalaman sa mga historya at isyu sa loob ng bansa, napakahalaga na piliin ang mga mga Pilipinong manunulat. Ito ay dahil ang mga termino at kontekstong ginagagamit ay mas malinaw at madali maintindihan.
Nakakatulong din ito sa mga kapwa nating mga Pilipinong awtor. Sa pagtangkilik natin sa kanilang mga gawa, lumawak at dumamami rin ang nagiging magbabasa nila. Mas nagiging “in-demand” sila sa industriya ng panitikan.