Edith L. Tiempo

Talambuhay

Isang magiting na makata, mangangatha, manunulat, guro, at kritikong pampanitikan, si Edith L. Tiempo ay mas kilala at sikat bilang Pilipinong manunulat sa wikang Ingles. Ang mga gawa at sulat ni Tiempo ay naging kilala dahil sa taglay nitong istilo sa pagsulat, kakaibang pagkagawa ng konsepto at kabatiran. Siya ay iginawad bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 1999.

Ang Talambuhay ni Edith L. Tiempo

Isinilang si Tiempo noong ika-22 ng Abril 1919 sa San Nicolas, Bayombong, Nueva Viscaya. Siya ay anak nina Salvador T. Lopez, isang auditor ng gobyerno, at Teresa Cutaran. Sa pagkabata, palipat-lipat ang pamilyang Tiempo ng tirahan dahil sa trabaho ng kanyang ama.

Nag-aral siya ng hayskul sa Bayomobong at nagpatuloy ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas. Kumuha siya ng kursong pre-law sa UP. Noong 1947, nakapagtapos siya bilang magna cumlaude sa Siliman University sa kursong Bachelor of Science degree in Education, Major in English.

Dahil pursigido sa maaari niyang matutunan, nagpatuloy siya sa pag-aaral at kumuha ng Masters Degree niya sa State University of Iowa. Sa unibersidad na ito ay nakatanggap si Tiempo ng international fellowship na nagtagal mula 1947 hanggang 1950. Sumali din siya ng iba’t ibang workshop sa University of Iowa na nagtututo ng mga kaalaman at teknik tungkol sa creative writing. Ang workshop na yun ay pinangunahan ng isang Amerikanong manunulat na si Paul Engle.

Noong 1958, nakatanggap si Tiempo ng isang scholarship grant mula sa United Board of Christian Higher Education in Asia at nakapagkuha ng kanyang doctorate degree sa wikang Ingles sa University of Denver, Colorado.

Mga Kontribusyon at Parangal ni Edith L. Tiempo

Bilang manunulat at guro, ang mga gawa at sulat ni Tiempo ay nakapagbigay pugay di lamang sa larangang ng sining at panitikan kundi sa samabayang Pilipino rin. Nagwagi siya ng gantimpalang Carlos Palanca ng tatlong dahil sa kanyang mga maikling kwento at tula na Ingles noong mga taong 1967, 1951, at 1955. Noong 1988, ginawaran siya bilang Pambansang Alagad ni Balagtas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL). Noong 1978, ginawaran siya ng Gawad CCP sa nobela niyang Native Coast.

Ang kanyang mga tula na “Halaman” at “Bonsai” ang pinakasikat sa lahat ng kanyang mga naisulat. Bilang manunulat ng fiction na tula at kwento, si Tiempo ay laging may moral sa isip, gawa, at puso. Ang kanyang linguahe sa pagsulat ay naitala bilang ‘diskriptibo ngunit hindi piankawalan ng mapanuring pagdetalye.’

Sa mga taong 1964 hanggang 1965, naging parte si Tiempo ng grupo ng mga guro sa Wartburg College, Iowa. Nagturo siya sa iba’t ibang mga unibersidad at eskwelahan, katulad ng Chinese University of Honkong, Western Michigan University, at Hongkong Baptist College. Dahil dito, nakatanggap siya ng isang parangal na Elizabeth Luce Moore Distinguished Asian Professor Award.

Ang asawa ni Tiempo na si Edilberto K. Tiempo ang naging kasangga niya sa pagsusulat at pamamahagi sa samabayang Pilipino ng kanyang mga gawa. Noong 1962, itinatag nilang mag-asawa ang Siliman Writers Workshop sa Unibersidad ng Silliman, na kung saan sila unang nagkakilala. Pareho nilang pinamahalaan ang grupo at ito ay naging unang samahan ng mga manunulat sa Pilipinas at buong Asya.

Naging impluwensya si Tiempo sa tradisyon ng Panitikang Pilipino sa wikang Ingles.

Popular Posts