Alejandro Reyes Roces

Talambuhay

Kilala bilang isang sikat na opisyal ng gobyerno, manunulat ng maikling kwento at sanaysay, peryodista, at dramatista, si Alejandro Roces ay iginawad at kinikilalang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan.. Naging may akda-siya sa maraming mga tula, kwento, dula, at sanaysay na naging sikat sa mundo ng Pilipinong panitikan.

Ang Talambuhay ni Alejandro Roces

Ipinanganak noong ika-13 ng Hulyo 1924 sa bayan ng Sta. Cruz, Maynila, si Alejandro ang ika-anim sa siyam na anak nina Rafael Roces at Inocencia Reyes. Lumaki siya sa pagkahilig ng pagbasa, at habang lumalaki siya ay ikinahilig niya na rin ang pagsulat.

Nagtapos siya ng elementarya at hayskul sa Ateneo de Manila University. Agad naman siyang lumipad papuntang Amerika pagkatapos niya ng hayskul at saka pinagpatuloy ang kolehiyo sa State University of Arizona at kumuha ng kursong Bachelor of Arts in Fine Arts. Di nagtagal, pagtapos niya sa kolehiyo ay bumalik siya sa Pilipinas at kinuha ang kanyang M.A sa Far Eastern University. Binigyan rin siya ng honorary doctorates galing sa Tokyo University, St. Louis University sa Baguio, Polytechnic University of the Philippines, at sa Ateneo de Manila University.

Malipas ng ilang taon, ikinasal si Alejandro kay Irene Yorston Viola, ang apo ni Maximo Viola na naglimbag ng nobelan Noli Me Tangere sa Alemanya. Nagkaroon sila ng isang anak na si Elizabeth Roces.

Mga Kontribusyon at Impluwensya ni Alejandro Roces

Naging malaking impluwensya si Alejandro sa larangan ng panitikan at nakapagbigay rin siya ng mga kontribusyon di lamang sa aspekto ng panitikan kundi sa larangan din ng sining. Simula nung siya ay nag-aaral pa sa kolehiyo, nakatanggap siya ng mga gantimpala tulad ng Best Short Story sa kanyang isinulat na kwento na “We Filipinos are Mild Drinkers.” Sa kanyang mga pahayag at mga sulat sa dyaryo, itinuon niya ang kanyang pansin at oras sa pagbubuhay muli ng kulturang Pilipino na hinay-hinay ng napapabayaan at kinalimutan. Ang mga gawa ni Alejandro ay nailathala sa iba’t ibang mga magasin sa buong mundo, at nakatanggap ng maraming pambansang at internasyonal na parangal.

Ilan lamang sa mga sulat at gawa niya ay ang My Brother’s Peculiar Children, Of Cocks and Kites, Something to Crow About, at marami pang iba. Dahil sa kanyang pagiging makabayan sa pamamagitan ng kanyang mga sulat, naging kampeon siya ng kulturang Pilipino at naisabuhay niya ang mga aesthetic na aspekto ng piyestang Pilipino. Siya rin ang nagpasimuno na gawing Hunyo 12 ang Araw ng Kalayaan. Naiambag niya rin sa bansa at sa mga kapwa niyang Pilipino ang importansya ng wikang Filipino, at inilunsad ito sa pagbabago ng mga selyo, currency, at pasaporte.

Naging instrumento rin siya sa rebolusyon noong World War II at ipinaglaban ang bansa laban sa martial law sa pamamagitan ng pagsali sa partidong diktadura.

Sa pagiging makabayan ni Alejandro sa pamamagitan ng kanyang mga sulat, naging inspirasyon siya sa madaming Pilipino. Dahil sa kasiyahan na idinagdag niya sa kultura ng sining ng Pilipinas, inilahad niya na kung gaano kaganda ang ating kultura. Ang mga sulat at gawa ni Alejandro ay naging daan sa pagkakakilala ng makabagong pag-asa sa sambayanang Pilipino.

Popular Posts